Pagpan@w ni Mike Enriquez Nilinaw Na! Isang Malaking Fak3 News!

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


May nakakagimbal na balita ang kumakalat ngayon sa social media hinggil sa umano'y pagpanaw ng isang batikang news anchor ng GMA7 na si Mike Enriquez. Agad naman itong inalmahan ng isa pang mamahayag na si Arnold Clavio at sinabing buhay na buhay pa si Mike.

Sa isang Facebook post, nilinaw ni Arnold Clavio ang isyung namatay na umano si Mike Enriquez.

“Mga minamahal, nakausap ko po si Ama, Mr. Mike Enriquez. Buhay na buhay at ang kanyang mensahe, ‘FAKE NEWS!'”

Naging usap-usapan sa social media ang isang Facebook post ng malapit na kaibigan nina Mike Enriquez at kanyang asawa.

Ayon sa post, “This photo with Mike Enriquez and his Wife was taken 3 yrs ago at Nora Trajano’s bday. It was a wonderful surprise! I’m glad I saw Mike after many years and now he is happy in heaven with the Lord. Rest in peace dear Mike!”

Agad naman itong humingi ng paumanhin ng malaman na buhay pa pala si Mike Enriquez. 

Ayon sa kanya, may nakalap umano siyang balita ilang taon na ang nakakalipas tungkol sa umano'y pagkamatay ni Mike. 

Sinabi din niya na marami ang nagpaabot sa kani-kanilang condolences at hindi naman itinama ang mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo