Panhaharot Ni Heaven Peralejo Kay Ian Veneracion Ikinainis Ng Mga Netizens!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely


Umaani ng samu't-saring pambabatikos ang ibinahaging video ni Heaven Peralejo kung saan makikitang tila nilalandi nito ang aktor na si Ian Veneracion.

Makikita sa Tiktok video ni Heaven ang 'harutan' nila ni Ian, makikita rin sa huling bahagi ng video ang paghalik ni Ian sa noo ni Heaven.

Hindi naman ito ikinatuwa ng ilang mga netizens. Sinabi nila na hindi nababagay ang pangalang Heaven para sa aktres dahil sa ginagawa nito. Mas nababagay umano rito ang pangalang Hell kaysa Heaven.

Matatandaang marami ang nainis kay Heaven nang ito ang itinurong dahilan ng paghihiwalay noon nina Kiko Estrada at longtime girlfriend nitong si Devon Seron.

Samantala, magkakaroon ng pelikula sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo. Kung saan magiging 'sugar baby' ito ni Ian.

Sa isang panayam sinabi ni Ian na hinahayaan niya dumikit at magkalapit ang kanilang mga katawan upang maging komportable sila sa isa't-isa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo