Paolo Contis at Yen Santos Spotted Sa isang Hotel! As A Friend?

Linggo, Nobyembre 20, 2022

/ by Lovely


Namataan ang rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos sa isang hotel noong November 18.

Matatatandaang noong huwebes pinasalamatan ni Yen si Paolo sa kanyang speech sa pagkapanalo bilang best actress sa pelikulang A Faraway Land na pinagbibidahan nilang dalawa.

Ginanap ang 24 Gawad Urians Awards sa City Adarna UPF Film Center sa University of the Philippines Diliman Quezon, City.

Agad naman itong binati ni Paolo at sinabing deserved ni Yen ang makatanggap ng award at trophy. Ipinahayag din nito ang kanyang pagka-proud sa natamong achievement ng rumored girlfriend.

Samantala, may mga kumakalat ngayon na mga haka-haka na umano'y namataan nila sina Yen Santos at Paollo Contis sa isang hotel.

Subalit, wala pang pahayag ang dalawa hinggil sa panibagong intriga na ibinabato sa kanila. Hindi rin naman ito kinumpirma ninuman sa dalawa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo