Paolo Gumabao Nahaharap Sa Isang Kaso Dahil Sa Pagti-Tiktok Suot Ang SAF uniform!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


Lesson learned para sa Kapamilya Hunk na si Paolo Gumabao ang masampahan ng kaso dahil sa kanyang ginawa sa social media habang nakasuot ng uniform ng PNP.

Si Paolo Gumabao at ang isa pa niyang kasamahan sa pelikulang Mamasapano, Now It Can Be Told, ay sinampahan ng kaso dahil sa umano'y illegal na pagsusuot nila sa uniform at insignia ng Special Armed Force habang nasa shooting.

Ang pelikulang Mamasapano, Now It Can Be Told ay isa sa official entry ng nagbabalik na Metro Manila Film Festival matapos ang dalawang taon dahil sa paglaganap ng Covid-19.

Sa naganap na presscon para sa pelikula, ipinaliwanag niyang may permission naman sila sa pagsusuot ng mga nasabing uniform. Ang inirereklamo umano ay ang pagsasaya niya ng Tiktok habang suot-suot ito.

Aniya pa, “Ako naman, no offense meant at all, but it’s a lesson learned for me at di na mauulit. Buti na lang the case didn’t prosper.”

Si Paolo ay gaganap bilang Supt. Raymond Train sa movie, ang commander ng PNP team, Seaborn 13, na siyang naatasang mamuno sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng terorista sa Marwan at Usman, Maguindanao noong January 25, 2015.

Inamin din niya sa nasabing presscon na matagal na niyang pinangarap na gumanap sa isang action film. Kaya naman kahit hindi siya ang first choice sa pagganap sa nasabing role ay malugod pa rin niya itong tinanggap.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo