Paulo Contis Super Proud Kay Yen Santos Na Nakakuha Ng Award!

Biyernes, Nobyembre 18, 2022

/ by Lovely


 Very proud ang aktor na si Paolo Contis para sa kanyang co-star at rumored girlfriend na si Yen Santos.

Wagi si Yen Santos bilang Best Actress sa Gawad Urian sa pelikulang pinagbibidahan nila ni Paolo Contis na A Faraway Land.

Matapos maibalita ang parangal na natanggap ni Yen, agad nagpahayag ng pagbati ang aktor.

"Congratulations Lilieyen Santos... I'm sooooooo proud of you!! very well deserved! See you in awhile."



Pinusuan naman ni Paolo ang Instagram post ni Yen kung saan nag-flex ito ng kanyang award.

Matatandaang pinagmulan ng mga intriga ang pagtatambal nina Yen Santos at Paolo Contis. Si Yen din ang itinuturong third party sa hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis noong August 2021.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo