Pelikula ni Nora Aunor na ‘Kontrabida’ Wagi Bilang Best Asian Feature sa Hanoi Film Festival!

Biyernes, Nobyembre 25, 2022

/ by Lovely


Patuloy ang pagbibida ng Superstar na si Nora Aunor sa mga award-winning na pelikula dahil ang pelikula niyang “Kontrabida”ay hinirang bilang Best Asian Feature sa Hanoi International Film Festival.

Ipinagmamalaki ni Direk Adolfo Alix Jr. Director Adolfo Alix Jr. ang good news sa kanyang Instagram account. Isiniwalat niya na ang pelikula ang nakatanggap sa NETPAC Award for Best Asian Feature. 

Ayon kay Direk very proud siya dahil sa kalagitnaan ng pandemya ishinoot ang pelika.

“We shot this film during the height of the pandemic so I’m happy for the whole team. Our efforts paid off. Grateful to our producers Joed Serrano and Celinda de Guia for believing in the project when during that time it’s a risk to do projects like this. And to the lynchpin of film, Ate Guy and the wonderful ensemble of actors,” mababasa caption nito sa kanyang post.

Ang “Kontrabida” ay ang kwento ni Anita Rosales na kilala sa malalakas na karakter na ginagampanan niya sa screen habang nahihirapan sa kanyang personal na buhay. Bukod kay Aunor, kasama rin sa award-winning movie ang batikang aktor na si Bembol Roco.

Matatandaan na noong Hunyo, pinarangalan ang iconic actress bilang National Artist for Film sa CCP National Artists Awards.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo