Pinaiyak ni Wilbert Tolentino si Madam Inutz, halos kumpleto na ang bagong bahay

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Sparkle

 


Naiyak sa tuwa ang social media personality na si Madam Inutz matapos muling bisitahin ang ginagawang bahay sa Bulacan.

Kung matatandaan noong nakaraang taon, niregaluhan siya ng talent manager na si Wilbert Tolentino ng bagong bahay.

Makikita sa video na nauna si Wilbert sa lokasyon at habang hinihintay ang socmed star, nagkuwento muna ito kung bakit natagalan ang renovation ng bahay ni Madam Inutz.

“Inantay namin siya lumabas. Paglabas naman niya, dire-diretso ang projects, raket tapos live-selling niya.”

“Siyempre gusto kong tumulong ng tao, kaya ‘nung nakita ko si Madam Inutz ay isa siya sa mga deserve tulungan aside kay Hipon kaya kung may bahay na si Hipon, may bahay pa si Inutz, sino kaya ang susunod?,” Aniya.

“Sponsor sa aircon, sponsor sa chairs, sponsor sa kama kaya wala nang gagastusin si Inutz.”

Maya-maya ay biglang dumating si Madam Inutz at pagkababa niya ng sasakyan ay bigla siyang umiyak.

Nagkaroon pa sila ng house tour at nakita nilang may tatlong palapag ang bahay – mayroon pa itong maliit na boutique, opisina, walk-in closet, at inuman.



Sey ni Madam Inutz, “Napakabuti ang puso na kundi dahil sa kanya, ang mga pangarap ni Madam Inutz, may posibilidad na hindi mangyari kaya naman sobrang thankful at grateful si Madam dahil nakilala ko si Sir Wilbert at siya ang nagbunga na matupad ang pangarap ni Madam na matagal ko nang pinapanalangin na gusto kong kamtan at dahil sa kanya ay natupad na.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo