Piolo Pascual Inamin Ang Paglaki Ng Ulo Dahil Sa Success!

Biyernes, Nobyembre 11, 2022

/ by Lovely


 Si Piolo Pascual naman ang ininterview ni Korina Sanchez sa kanyang show sa Net25.

Sa nasabing interview inamin ni Piolo Pascual ang minsan paglaki ng kanyang ulo dahil sa natatamo ng success sa kanyang showbiz career. 

“Admittedly, yeah. Na parang feeling ko I deserved this, na this is because of what I’m doing. And good thing, I understood that, I realized that early on. Because after all nung mga accolades, after all nung mga victories and successes, I felt empty." pag-amin ni Piolo Pascual.

Ibinahagi din niya na ang kanyang pamilya ang isa mga dahilan kung bakit hindi nagtuloy-tuloy ang paglaki ng kanyang ulo.

"My saving grace is my family. They never looked at me as celebrity. "Whenever I’m home, they always make sure that I feel grounded. Pwede pa rin nila akong utusan. And you know, hindi nila fini-feed yung ego ko,” pagbabahagi pa ng aktor.

Matatandaang ilang linggo pa lamang ang nakakalipas ng buksan ni Piolo Pascual ang kanyang negosyo sa Palawan kung saan kasosyo niya rito ang aktres na si Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo