Rachel Carrasco at Victor Consunji IG official? Kasunod ng kanilang Paris trip!

Biyernes, Nobyembre 25, 2022

/ by Lovely


All-smile ang parehong negosyante sa isang larawan na ibinahagi ni Rachelle Carrasco sa kanyang Instagram account noong November 23, Miyerkules. Kasunod sa kanilang magkasamang trip sa Paris, France.

Tila lowkey na pagkukumpirma ni Rachel ang naturang post sa usap-usapang romantic relationship niya kay Victor.

“Toi et Moi,” [You and I] mababasang French caption sa nasabing larawan.

Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga nagbaabot ng pagbati at pinusuan ang kanilang post.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Rachel Carrasco sa mga kontrobersyal na rebelasyon noon ni Maggie Wilson, ang estranged wife ng negosyanteng si Victor Consunji noong nakaraang Setyembre.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo