Robi Domingo Inaming May Katotohanan Ang Sinabi Ni Zeinab Harake!

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


Para sa aktor-TV host na si Robi Domingo, mas mahalaga para sa kanya mas mahalaga ang relasyon niya sa kanyang audience at kailanman at hindi niya itinuturing ang mga ito bilang market, na maaring pagkakakitaan.

Matatandaang isa si Robi Domingo sa mga nabanggit na personlidad sa ginawang rebelasyon ni Wilbert Tolentino hinggil sa tunay na ugali ni Zeinab Harake.

Base sa ipinakitang screenshot ni Wilber, pinigilan siya ni Zeinab na makipag-collab kay Robi dahil wala naman ittong market.

Samantala sa isang vlog inamin ni Robi na minsan din niyang  naiisip na sa tagal na niya sa industry, may market na ba siya.

Ayon kay Robi, “I would be lying if I say I don’t care about that. I had my frustrations. Lalung-lalo na, ‘Asan na ba talaga ako? Kailan ba ako magkakaroon ng break? Bakit ba palagi akong sidekick. Bakit ba palagi akong pinapadala sa malalayong lugar?"

Nagbigay din ng opinyon si Robi tungkol sa pagiging toxic ng social media ngayon.

Sinabi rin ni Robi na talagang hindi siya apektado sa rebelasyon ni Wilbert.

“Alam ko yung context. And totoo naman. Ba’t naman ako magagalit kung totoo naman na mahina yung algorithm? And there’s a different world for each content creators."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo