Ronnie Liang, Dismayado Sa Offer Sa Kanya Na Gumawa Ng Porn!

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


Malaki ang pagkadismaya na nararamdaman ng singer-actor-pilot-army reservist-model na si Ronnie Liang matapos may mag-offer sa kanya na gumawa ng isang porn movie.

Ayon sa pagbabahagi ni Ronnie sa kanyang verified Facebook account, inilabas niya ang pagkadismaya sa mga taong nag-offer sa kanya ng ganoong trabaho. Ipinunto rin niya na hindi siya ganoon ka-disperado na makakuha ng project.

"I got pissed off and disappointed. 😤 I was offered and urged to do PORN movies...😬 Thanks, but NO thanks po. I did not sacrifice and study hard all these years only to show my private parts in public—Nakakahiya 🙈 Without trying to brag, I am already an Army Reservist Officer, a pilot, a Master's degree holder, a Brand Ambassador of some companies, and other government agencies. Madami pa po ako pwedeng gawin at pag ginawa ko yan madaming mawawala sa akin," pagbabahagi ni Ronnie.

Dagdag pa niya na mas mahalaga sa kanya ang self-respect kaysa sa fame at money. Hinihiling din niya na unawain siya ng management sa kanyang panininiwala. Sa iba na lamang daw ibigay ang role dahil hanggang hubad baro lamang ang kaya niya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo