RR Enriquez Nakarelate Sa Ginawang 'Mali' John Amores Sa NCAA!

Lunes, Nobyembre 14, 2022

/ by Lovely


Muling sumawsaw ang kilalang Sawsawera Queen sa isyu ng panununtok ni John Amores sa dalawang myembro ng kalabang team sa NCAA.

Ayon kay RR Enriquez, tila nakakarelate siya sa sitwasyon kinakasangkutan ngayon ni John Amores sa NCAA. Naranasan din umano ang ganoong sitwasyon noong nag-aaral siya pa siya. Ibinahagi pa ni RR na hindi lamang ang mga schoolmates niya ang nakaka-away niya noon kundi pati na rin ang ilan niyang mga teacher.

"Natatandan ko sa school namin noon high school, May sinagot-sagot akong teacher, nasuspend ako for like three days. After that balik ka sa school di ba, pasok ka na ulit. forget then move forward. E ang tigas ng ulo ng Kasawsawera queen ninyo. Laging nakikipag-away sa estudyante pati sa teacher. One day dumating yung panahon na di nila kinaya attitude ko, na-expelled na ako. Sobrang sama ng loob ko dahil na-expel ako. Hindi na talaga nila ako pina-graduate kasi nga di ba, di ka na tinanggap sa school," pagkukwento ni RR.

Sa kabila naman umano nito, hindi pa rin nawalan ng pag-asa si RR at alam umano niya na hindi doon matatapos ang lahat. Basta't magsipag at magsumikap sa buhay tiyak na may maabot.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo