Ruffa Gutierrez, Nagbigay Ng Cryptic Message Tungkol Sa Relasyon Nila Ni Herbert Bautista!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


Hindi pa rin diretsahang inaamin ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang totoong relasyon nila ni Herbert 'Bistek' Bautista.

Ayon kay Ruffa, "A private life is a happy life, what you see is what you get…"

Tila ayaw na ni Ruffa Gutierrez ang pang-iintriga ng ilang mga netizens sa kanyang buhay. Nilinaw rin ni Ruffa na walang katotohanan ang mga bali-balitang nagbalikan na sila ng kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Hindi rin umano totoo na magkasama sila sa bakasyon nila ng kanyang anak sa Italy.

Kung may balikan man umanong nangyari ay ang pagiging co-parents nila sa kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.

“Siguro the only balikan na mangyayari, is talagang as co-parents to the kids, and have a healthy relationship. But in terms of romantic or magpapakasal ako ulit sa kanya, wala na,” paglilinaw ni Ruffa.

Samantala, ibinahagi ni Ruffa Gutierrez na napaka-suportive ni Herbert Bautista sa kanya. Isa rin umano ito sa mga nagpush sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Very supportive din umano ito sa kanyang bagong negosyo.

“Ang maganda naman kasi kay Herbert, he’s very mature. He supports me in my dreams and goals. Hindi siya nakikialam sa mga gusto kong gawin sa buhay,” say ni Ruffa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo