Sarah Geronimo, Ibinahagi Ang Kanyang 'Transformation' As An Artist!

Biyernes, Nobyembre 11, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng tinaguriang Pop's Star Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang Instagram account ang kanyang recent activities sa kanyang comeback single na 'Dati-Dati'. Available na ang Dati-Dati sa ibang mga streaming platforms sa bansa.

Bukod sa pinagkakaabalahan niyang bagong album, paggawa ng mga bagong original songs, at pagiging mas active sa social media, sinabi ni Geronimo na gumagawa siya ng mga pamamaraan upang maging mas totoo sa kanyang sarili.

"I am not trying so hard to give them a new Sarah G era. Siguro growth lang as an artist," she said. "And when you say growth, I really want to be true to myself. Kasi for the past years, I've been selecting songs. Hindi ako ganun ka-active sa songwriting but always naman nandoon 'yung collaboration, collaborative 'yung relationship ko with the songwriters and arrangers, producers. But now, nagbibigay ako ng mga concept and then if there's a need to tweak na talagang alam kong mas authentic sa akin, then I do it," pagpapaliwanag ni Sarah. 

Muling nagbabalik sa stage si Sarah Geronimo matapos ang kanyang pagtigil ng dalawang taon, dala na rin ng banta ng Covid-19 at ng pagkakasara ng ABS-CBN.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo