Sassa Gurl, Kabilang Sa Cast Ng Drag Den Philippines!

Huwebes, Nobyembre 17, 2022

/ by Lovely


Isang maagang pamasko ang natanggap ng 'sangkabekihan' matapos i-anunsyo ang pagsisimula ng ang reality show na “Drag Den Philippines” na mapapanood sa streaming platform na Prime Video Philippines.

Nauna nang ipinalabas ang official trailer ng nasabing programa na siyang nagpakita sa mga drag queens na sina Maria Cristina, Aries Night, Barbie Q, Shewarma, Pura Luka Vega, Naia, Odasha Flop, at Lady Gagita na siyang maglalaban-laban para sa korona.

Kabilang naman sa casting ang beauty queen na si Nicole Cordoves at ang mima ng bayan na si Sassa Gurl bilang co-hosts.

“Ako kasi, di naman ako galing sa drag scene sa bar, galing akong Miss Gay, so wala kong masyadong kaalam-alam sa drag, pero ang feeling ko kaya ako kinuha dahil gusto i-connect ng mga gumawa ng show ang mga nakshit kong kanal, at ang sining ng drag. Super na-happy ako nung kinuha nila ako kasi unang hosting gig ko to para sa isang TV series, nagkataong gustong-gusto ko pa kasi kabaklaan,” pahayag ni Sassa Gurl sa isang panayam.

Hiling din ni Sassa na maging instrumento ang Drag Den para maging bukas sa bansa ang usapin ng tungkol sa ganitong sexual preferences.

Magsisimula ang 'Dragdagulan' sa Drag Den Philippines sa Disyembre 8, 2022. Produced by Cornerstone at Project 8 sa direksyon ni Antoinette Jadaone at Rod Singh.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo