Suportado nina Sen. Bong Revilla at Sen. Grace Poe ang naging pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada hinggil sa pagtatanggol sa pelikulang Pilipino na pinadapa ng pandemya.
Sa kamakailang Sa naganap na plenary session sa sendao nitong Martes, November 8 2022, nagpahayag si Sen. Bong Revilla na panahon na upang pagtulungan na maiahon ang industriya ng pelikulang Pilipino na pinadapa umano ng pandemya sa loob ng mahigit dalawang taon. Nadagdagan pa umano ang paghihirap nito sa paglaganap ng mga foreign shows.
Aniya, “Suportado ko ang pahayag ni Sen. Estrada dahil ramdam ko bilang artista ang kaniyang pagmamalasakit na muling buhayin ang pelikulang Pilipino at malaking-malaki ang tsansa nating magawa ito.”
Gayundin si Senador Grace Poe, anak ng yumaong si Fernando Poe Jr. suportado din niya ang paghingi ng tulong ni Estrada sa gobyerno upang mabigyan ng maraming incentives ang industriya ng pelikula sa bansa.
Inihain na rin umano niya ang Senate Bill No. 867 o ang Philippine Film and Television Tourism Act of 2022. Ito ay naglalayong mabigyan ng mas maraming incentives upang magkaroon ng mas maraming trabaho ang mga taong nahihirapan dahil sa paglaganap ng Covid-19.
Dagdag pa ni Sen. Grace Poe, “Not only will it provide jobs but it will also promote the industry. One film showcasing the beauty of the Philippines, that’s millions of dollars that we save on advertising. I hope that we pass the Philippine Film and Television Tourism Act.”
Nauna nang nagbigay ng pahayag si Sen. Jinggoy Estrada na hindi magiging kawalan sa kita ng gobyerno ang pagbibigay ng incentives sa mga movie producers. Dahil maari naman itong mabawi kapag lumago na ang entertainment industry ng bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!