Nagbigay ng babala si Senador Risa Hontiveros kay Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa labis na pangungutang. Ayon sa kanya, huwag daw sana nitong tularan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“’Wag sanang tularan ni President Marcos si ex-President Duterte na nagpumilit umutang sa China kahit hindi naman kailangan. Kaya, President Marcos, hinay-hinay lang sa pera ng bayan,” ani Hontiveros.
Nangyari ito sa kanilang pagdedebate sa senado para sa 2023 National budget. Nabanggit ni Hontiveros ang dalawang pangunahing proyekto. Ito ay ang Kaliwa Dam project na may halagang P18 bilyon at South Luzon Long Haul Rail Project mula Calamba hanggang Matnog sa Sorsogon na may halagang P171 bilyon. Sa ngayo’y kapwa hindi pa natutuloy dahil hindi pa tumutugon ang mga investors na magpapautang sa bansa.
Ayon pa kay Sen. Hontiveros, isang blessing in disguise na rin ang pagkakaantala sa mga proyektong ito. Dahil hindi naman umano ito masyadong kailangan ng mga tao at baka matingga lamang dahil walang gagamit.
"Dapat maiwasan ni Pres. Marcos ang mga dambuhalang utang na naka-amba dahil kay President Duterte, lalo na kung hindi naman pala utang ang kailangan ng mga proyektong ito. We should do everything so government avoids taking on the heavy loan burden itself,” saad ni Hontiveros.
“We have reason to believe that economic evaluation of these projects was not thorough at all. These two projects were also originally offered for China to finance, but the need for them at this time should really be re-examined. Baka wala pong sumakay at maging white elephant projects lang ang mga ito,” babala pa senadora.
Dagdag pa ni Hontiveros, “Duterte’s pivot to loan financing to the exclusion of PPP for his flagship projects was an unsustainable tactic, and reliance on China for loans even more so.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!