Shaina Magdayao, Hindi Natuloy Sa Pagbabakasyon Sa Paraiso Dahil Sa Trabaho!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


Matapos ang tatlong buwan ng pag-ere ng  finale episode ng ABS-CBN longest running series na FPJ’s Ang Probinsyano masayang ibinalita ni Shaina na balik-trabaho uli siya bago matapos ang 2022.

Masayang ibinalita ni Shaina na natanggap na niya ang isang napakagandang regalo para sa kanyang kaarawan nitong November 6. Kaya naman ipinagpalit ni Shaina ang kanyang pagbabakasyon sana sa paraiso para magtrabaho.

Ayon kay Shaina, ito ang unang pagkakataon na ipinagpalit niya ang kanyang birthday vacation para magtrabaho.

Ibinahagi rin ni Shaina na kabilang siya sa mga cast ng international series na Almost Paradise. Ang pagkakasama sa proyektong ito ay itinuturing ni Shaina na malaking biyaya sa kanya ng panginoon para sa kanyang kaarawan.

Ani Shaina sa kanyang Instagram post, “SOON. Sooo grateful for His birthday surprise. PS My heart is overwhelmed with all the looooove and greetings ….and the surprises! Just got back to the hotel from work.”

Ang “Almost Paradise” ay isang international American-Filipino crime drama series. Ang taping ay shinoot dito sa bansa. Season 2 naman nito ang kasalukuyang sino-shoot sa Cebu kung saan kasama si Shaina.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo