South Korean Actor Ji Chang Wook Gusto Makipagtrabaho Sa Mga Pilipino Artists!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Nagpapalamat ang South Korean actor na si Ji Chang Wook sa kanyang mga Pilipino fans sa kanyang pagbisita sa bansa.

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Ji Chang Wook para sa 'Reach Out' fans day sa Pasay. Si Ji ay isa sa mga latest endorser ng isang kilalang clothing line.

Ayon sa kanya, isa sa mga nagbibigay sa kanya ng inspirasyon na lalong pagbutihin ang kanyang pagtatrabaho ay ang kanyang mga Pilipino fans.

Isiniwalat din ni Ji Chang Wook na nais niyang makipag-collab kung maari sa ilang mga Filipino artists.

“I would like to work here in the Philippines for a show or movie — that would be great. I’m very thankful having different fans outside Korea, it’s a drive for me to work harder and excel in my work,” sey ng aktor.

Agad namang nagvolunteer na makatambal ni Ji ang beauty queen na si Ariella Arida na sinadya pang pumunta sa media conference upang masilayan ang aktor.

“Yes, can I be your leading lady even in real life? In a movie scenario, we can do free-diving, surfers kami. Mahal ko siya," kinikilig na pahayag ni Ariella.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo