Sue Ramirez May Hugot Sa Pagiging Leading Lady Ni Richard Gutierrez Sa the Iron Heart!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Sa naganap na media conference ng inaabangang teleserye ng ABS-CBN na The Iron Heart naitanong sa leading lady na si Sue Ramirez kung paano niya ginagamit ang kanyang 'iron heart'.

Sagot ng aktres, "I flex my heart all the time. Ang iron heart I think ay hindi something na pinatatag ng panahon, something din na kailangang ingatan kasi ang iron nagde-develop ng kalawang. So, we also have to take care of what we build, so, ‘yung puso na matibay binuo natin ‘yun sa sarili natin. Kailangan natin siyang ingatan and I will always use my iron heart all the time."

Sinabi rin ng aktres na kakaiba ang kanyang gagampanang role sa teleserye kaysa sa mga nagawa na niya noon. Gagampanan ni Sue ang karakter ni Venus na isang con artist.

“Si Venus ay raketera at malalim ang hugot niya kasi iniwan siya ng nanay niya at lumaki na kasama lang ang tatay niya at merong isang unfortunate event na nangyari sa tatay niya at kinailangang tatagan ang sarili at kailangan niyang mabuhay ng mag-isa at naghahanap siya ng pamilya."

Mapapanood ang The Iron Heart sa darating na November 14 sa Kapamilya channel. Makakasama rin nila sa teleserye sina Maja Salvador, Jake Cuenca, Albert Martinez, Al Tantay, Diether Ocampo, Karina Bautista, Enzo Pineda, Sofia Andres, Pepe Herrera, Roi Vinzon, Victor Silayan, Kyle Echarri (batang Richard), Dimples Romana, Althea Ruedas at Baron Geisler.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo