Tambalang Piolo Pascual at Bianca Umali Kinakasa Na?

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang post mula sa Facebook page na umano'y magtatambal sa unang pagkakataon ang Kapuso actress Bianca Umali at Kapamilya Hunk Piolo Pascual.

Ayon sa nasabing post nitong lunes, suportado ng GMA7 kung sakaling matutuloy ang tambalan nila sa isang pelikula, sa direksyon ni Irene Villamor.

Hindi naman ibinigay ang iba pang detalye tungkol sa pagtatambalan nila. Kagaya ng pamagat ng pelikula, makakasamang mga artista at ang release date nito. Hindi rin naman ito kinumpirma ng GMA7 network.

Subalit, may ilang mga fans na na-excite sa balitang ito. Isa umano ito sa mga signs na matatapos na ang 'network war' sa pagitan ng GMA7 at ABS-CBN.

Samantala, wala pa rin ipinapalabas na pahayag sina Bianca Umali at Piolo Pascual hinggil sa isyung ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo