Kumakalat ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang video ng paglilipat kay Vhong Navarro sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center.
Ilang sandali muling lumabas ang isang video clip kung saan makikita ang asawa ng actor-host na si Tanya ay kasama sa paglilipat nito.
Samantala, hindi naman napagbigyan ng pagkakataon ang reporter na makausap sina Vhong Navarro o ang asawa nitong si Tanya Bautista.
Ang paglilipat na ito kay Vhong Navarro ay alinsunod sa utos mula sa Taguig Regional Trial Court Branch 69.
Kasalukuyang kinakaharap ni Vhong Navarro ang dalawang kaso na isinampa ng dating modelo na si Deniece Cornejo na Act of Lasciviousness at Rape.
JUST IN: Actor Vhong Navarro being transferred from the NBI Detention Center to Taguig City Jail | via @Nikobaua pic.twitter.com/BnDzW6U053
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) November 21, 2022
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!