Ibinahagi ni Toni Gonzaga sa kanyang mediacon nitong November 17, 2022 para sa kanyang 20th Anniversary Concert ang hinding-hindi niya malilimutang karanasan as a singer.
Pagkukwento ni Toni Gonzaga, hinding-hindi niya malilimutan ang pagkanta sa isang Casino kung saan hindi siya pinapansin ng mga tao dahil tutok ang mga ito sa paglalaro.
Labis umano siyang naawa sa kanyang sarili at naitanong sa sarili kung bakit pa siya naroon.
“Favorite memory ko, when I was starting as a singer, kumakanta akong mag-isa, Pasko sa Casino Filipino. Doon ako nakapuwesto, December 24 or December 25, hindi ko na masyadong matandaan, basta Pasko ‘yun. Tapos, siguro, 17 or 18 years old lang ako nu’n,” pag-aalala ni Toni Gonzaga.
Habang kumakanta ay umiiyak umano siya, may mga manlalaro naman na nagbigay sa kanya ng tip na chip, yung pang pusta sa mga gambling machine, dahil na rin umano siguro sa awa.
Nang matapos umano siya sa kanyang kanta, ipinagpatuloy niya ang kanyang pagdadrama sa CR. Doon niya ipinangako sa kanyang sarili na sa susunod na hahawak siya ng mikropono at kakanta sisiguraduhin niyang may makikinig na sa kanya.
Tila natupad naman ito ngayon ni Toni Gonzaga dahil isa na siya sa mga hinahangaang singer ng bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!