Vilma Santos Tinamaan Ng Nakamamat@y Na Sakit!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely


Ibinunyag ng dating Congressman na si Vilma Santos na kasalukuyan siyang nakikipaglaban ngayon sa nakamamatay na sakit na Covid-19.

Sa video na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account ibinalita ni Ate V na kasalukuyan na siyang positibo ngayon sa virus ngunit pinayuhan umano siya ng kanyang doktor na ang tumama sa kanya ay ang tinatawag na 'long Covid-19'.

“Well, I’ll be frank, COVID got me at ibang klaseng COVID ko. Negative na ako pero ito ho raw ‘yung tinatawag nilang long COVID, ‘yung nagkaroon ng complications."

Ibinahagi din niya na sa kabila ng kanyang pagnenegatibo patuloy pa rin siyang nakakaranas ng ilang mga sintomas nito, kagaya na lamang ng asthma attack, pagbaba ng pressure at pananakit ng ulo.

Pinayuhan naman ni Vilma ang lahat na mag-ingat dahil nandyan at laganap pa rin ang Covid-19. Kahit anong ingat umano niya ay tinamaan pa rin siya nito.

Aminado din siya na nahihirapan siya sa kanyang pagkakasakit lalo na't isa na siyang senior ngayon. Labis naman ang pasasalamat ni Vilma sa mga doktor na tumitingin at nag-aalaga sa kanya.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo