Hindi pa rin nakakamove on ang National Director ng Miss Planet Philippines at talent manager na si Wilbert Tolentino sa mga nangyaring aberya sa Miss Planet International 2022 pageant sa Uganda.
Nagpatutsada si Wilbert Tolentino sa kanyang Facebook post at sinabing walang natuutunan ang mga kandidata sa pagpunta sa Uganda bagkos ay naging survival mode pa. Ipinunto rin niya ang mga nasayang na efforts, at pera para sa pageant.
“Nag byahe ang ibat ibang Queens para sa Pageant upang matuto ng maraming bagay at kultura sa bawat kandidata, ngunit sa halip na Pageant ay nag hahanap sila ng Masisilungan at pagkain para maka pag survive,” post ni Wilbert sa kanyang social media account.
Dagdag pa ng talent manager, “Sinira ng Miss Planet International Organisasyon ang Pangarap, Sipag, hilig ng bawat Queens. Ngayon, May natitira pang labing isa asa UGANDA kasama ang ating Miss Planet Philippines. Ang Nasasabing patimpalak ay naging SURVIVOR UGANDA.”
Napostpone ang Miss Planet International matapos magkaroon ng ilang mga aberya sa Uganda. Nagback-out rin ang ilang mga sponsors nito. Gaganapin ang Miss Planet International sa susunod na taon sa Kingdom of Cambodia.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!