Wilbert Tolentino Ibinahagi Ang Pinagdaanan Ni Herlene Budol Sa Uganda! 'Walang Makain at Walang Tirahan.'

Biyernes, Nobyembre 18, 2022

/ by Lovely


Matapos ang ilang araw mula nang mag-withdraw si Herlene Budol sa Miss Planet International Pageant, inilabas ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino ang kanilang pinagdaanan roon sa Uganda.

Sa latest vlog ni Wilbert Tolentino ibinahagi niya ang karanasan nina Herlene Budol at iba pang mga kandidata sa Miss Planet International.

Kabilang na rito, ang rehearse ng mga kandidata para sa kanilang cultural dance sa isang rooftop sa kalagitnaan ng masakit at maiinit na sikat ng araw. Nangyari umano ito dahil sa pagbaback-out ng sponsored venue dahil hindi pa nasettle ang bayad.

Pinapayagan naman umanong magpahinga ang mga kandidata ng Miss Planet International ngunit hindi sila binigyan ng pagkain ng mga organizers. Kahit pa alam ng mga ito na sila ay gutom na dahil sa rehearsal.

Ayon pa kay  Wilbert Tolentino, nagkanya-kanya ng hanap ng matutuluyan ang mga kandidata dahil hindi available ang unang venue. 

May mga kandidata rin umanong nag-iyakan na upang payagan na maag-withdraw dahil nauubusan na ng budget.

"May 4 hanggang 6 na [kandidata ang] nag-withdraw dahil mauubusan ng budget kung tumagal pa sila sa Uganda. First time nag-host ng international pageant ang bansang Uganda kaya hindi naka-align sa original plan ang calendar of activities," pagkukwento ni Wilbert Tolentino.

Bagama't hindi natuloy at may mga masasamang karanasan si Herlene sa pagpunta sa Uganda, napamahal pa rin sa kanya ang mga bata roon. Marami rin umano siya natutunan roon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo