Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang balitang nakansela ang Miss Planet International. Matapos ang maiinit na social media post ng dalawang kandidata mula rito.
Kasunod nito, agad na nagbigay ng pahayag ang manager ni Herlene Nicole Budol na si Wilbert Tolentino na kasalukuyan ding nasa Uganda para sa Miss Planet International.
Ikinuwento ni Wilbert Tolentino na may ilang mga kandidata na walang yellow vaccine fever kaya hindi nakapasok sa Africa. Ang ilang sponsors naman ng organization ay nagback-out dahil sa isyu ng Ebola virus.
"Sa mga concern netizens at mga nag tatanong ng UPDATE sa MISS PLANET INTERNATIONAL kung totoo ba cancelled ang event. eto ang kwento...lagpas kalahati ang indi naka pasok sa Africa dahil wala silang Yellow Vaccine fever at Ang Sponsors ng Organisasyon tulad ng SPEKE RESORT, KAMPALA na matitirahan ng delegate ay nag back out dahil sa issues ng Ebola Virus."
Nagkaroon naman umano ng Plan B ang organization ngunit dahil biglaan nagkanya-kanya muna sila ng diskarte sa kanilang matutuluyan at pagkain. May ilang kandidata na rin umano ang nagback-out dahil mauubusan na ng budget.
Ipinunto rin ni Wilbert na first time host ang Uganda ng isang International pageant kaya may ilang mga plano na hindi nasunod.
Sinabi naman ni Wilbert na darating na bukas ang CEO ng Miss Planet International at hintayin na lamang ang pahayag nito. Ipinabatid din niya sa mga tagahanga sa Pilipinas na nasa maayos silang kalagayan roon and they are survivors in their own ways.
"Hindi man maganda experience naranasan namin dto. but we are proud to say that We are Survivor in our own way. Tumuloy man o indi ang Pageant, in good faith tayo lumaban at pinaghandaan. We will keep you posted as soon as we have an additional information. Thank you!"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!