Xian Gaza, Nilinaw Kung Sinong Babae Ang Tinutukoy Sa Post Subalit 'Lampake' Sa Mga Tinamaan!

Linggo, Nobyembre 20, 2022

/ by Lovely


Xian Gaza nilinaw na kung sino ang babaeng tinutukoy sa kanyang viral post.

Sa comment section ng post ni Donnalyn kung saan inalmahan nito ang umano'y panghahamak ni Xian sa lahat ng babaeng nagpupunta sa mga bar. Nilinaw ni Xian na ang kanyang pinapatungkulan na babae ay ang kanyang sugar baby na nagdala ng lalaki sa isang mamahaling bar ngunit perang ipinadala umano niya ang ipinambayad sa bill.

Sinabi rin ni Xian na kung may natamaan man at nasaktan sa kanyang post ay hindi na niya problema iyon.

"Ang main purpose ng post na ito ay patamaan yung Sugar Baby ko na dinala yung boyfriend niya sa Xylo tapos ang pinambayad ay pera na pinadala ko as sustento. Kung nasaktan kayo nang dahil dito eh hindi ko na problema yun. Wala akong pake sa nararamdaman niyo. Mabuti nga yan at shinare mo with 16M followers para tumaas engagement ng account ko. Salamat. Don't forget to like Sugar Baddie guys," komentong sagot ni Xian.

Agad naman itong sinagot ni Donna at sinabing apakalayo ng explaination ni Xian.

"Wehh anglayo po ng explanation mo sa ginawa mong pangbaba sa lahat ng babae eh.. no offense ulit. Uii supportive sa business ng friend niya yarnn? yes like Sugar Baddie yan opposite word ng Sugar Daddy hehe."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo