Yassi Pressman Pinabulaanan Ang Balitang Lilipat Na Siya Sa GMA7!

Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

/ by Lovely


Pagkatapos ng presscon para sa launching ni Yassi Pressman bilang 2023 calendar girl ng Ginebra San Miguel kamakailan. Nagpaunlak si Yassi ng ilang mga katanungan mula sa mga reporter.

Dito ibinahagi ng aktres at TV host ang mga changes na naganap sa kanyang personal life maging ang mga natutunan niya sa gitna ng paglaganap ng pandemya.

“I think the pandemic really changed everybody. Especially myself as well. I know you all went through a lot of challenges pero I think it was important that we came out of those challenges with a lot of lessons,” pagkuwento ni Yassi.

Naitanong din ng mga reporter kay Yassi kung may katotohanan ba ang balitang magbabalik Kapuso na umano siya. May mga naglabasan kasing mga larawan sa social media na nagpapahiwatig sa paglipat ng aktres sa Kapuso netwwork.

Subalit, ayon kay Yassi hindi niya alam na may ganitong kumakalat ngayon online. Sinundan pa niya ito ng pagtawa.

“I haven’t seen it. I don’t know what you’re talking about. Hahahaha!”

Samantala, inayayahan ni Yassi ang kanyang mga tagahanga sa pagsubaybay sa kanyang mga upcoming projects sa susunod na taon. Sinabi rin niya na may pasorpresa siya sa lahat sa darating na taong 2023.

Huling napanood si Yassi Pressman sa teleseryeng 'Ang Probinsyano' na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo