Yassi Pressman Muling Nagbabalik Sa Kapuso Network! Bagong Show Kasado Na!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Natuloy na sa pagbalik sa Kapuso Network ng dating Kapamilya actress na nakasama sa cast ng longest running TV series na Ang Probinsyano.

Kasado na ang pagbabalik teleserye sa Kapuso network ni Yassi Pressman. Mapapanood na si Yassi Pressman sa upcoming TV series ng GMA7. Naganap ang story conference nitong Lunes, November 7, 2022 para sa TV adaptation ng movie na 'Nasaan Nagtatago Ang Pag-ibig?'

Ito ay naging hit noong 1987 na pinagbibidahan nina Ton-ton Gutierrez, Ricky Davao, Gloria Romero, Cherie Gil at Vilma Santos.

Makakasama naman ni Yassi Pressman sa teleseryeng ito sina Ken Chan, Marco Gumabao. Magsisimula na ngayong buwan ng November ang taping sa kanilang pelikula.

Ang TV remake na ito ang magsisilbing comeback series ni Yassi Pressman sa pagbabalik Kapuso matapos nitong lumipat sa ABS-CBN noong 2013.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo