Zanjoe Marudo Nag-Flex Ng Larawan Nila ng Rumored Girlfriend Na Si Ria Atayde!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Sa wakas, nag-flex na si Zanjoe Marudo ng larawan nila ng kanyang rumored girlfriend na si Ria Atayde sa kanyang Instagram account. Ang mga snaps ay kuha mula sa bakasyon nila sa Japan kasama ang ilang malalapit nilang kaibigan.

Natutuwa naman ang kanilang mga tagahanga at sinabing sa wakas ang Instagram official na ang dalawa.

Matatandaang nitong mga nagdaan buwan, naging laman ng usapan online ang diumano'y pagbubuntis ni Ria sa kanilang anak ni Zanjoe. Sinundan pa ito ng mga balitang engaged na ang dalawa at kasalukuyang naninirahan sa iisang bubong.

Agad naman itong pinabulaanan ng ina ni Ria at sinabing wala pang relasyon ang dalawa. Sa pagkakaalam umano niya ay nasa dating stage pa lamang ang mga ito at kasalukuyang nagliligawan.

Sa pagbabahagi ni Zanjoe Marudo ng mga snaps nila ni Ria, nangangahulugan na ba ito na opisyal na ang kanilang relasyon?


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo