Zeinab Harake Sinubukang Makapasok Sa PBB, Subalit Hindi Kinaya Ang Pila!

Linggo, Nobyembre 27, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ni Zeinab Harake sa vlog ni Luis Manzano ang ilan sa mga karanasan niya noong kabataan niya.

Ayon kay Zeinab hindi niya kailanman malilimutan ang pagpunta niya sa iba't-ibang auditions noong bata pa siya. Naranasan din umano niya ang paghihintay sa pila ng ilang oras.

Bagama't nag-aalinlangan siya sa pagpasok sa pag-aartista, hinihikayat umano siya ng kanyang nanay na sumubok sa mga auditions.

Ibinahagi din ni Zeinab na bago pa siya makilala at sumikat sa larangan ng pagba-vlog ay naranasan na rin niyang lumabas sa telebisyon. Ito ay sa Kapamilya drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” hosted by Charo Santos.

“Nakapag-extra pa ako. MMK. Parang si Maja Salvador ‘yung inekstrahan ko tapos si Ella Cruz ‘yung batang Maja Salvador. Parang ganu’n. Tapos runner lang ako du’n. Buong araw nagtatatakbo lang ako du’n. Extra days. Pero batang-bata pa ako. Mga 9 or 10,” pagbabahagi pa ni Zeinab.

Naichika rin ni Zeinab ang karanasan niya sa pagpipila para sa audition ng sikat na reality search ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother. Kung saan inabot na umano sila ng isang araw sa pila subalit hindi pa sila nangangalahati. Kaya naman napagpasyahan na lamang niyang umalis.

“Pumila ako sa PBB sa MOA (Mall of Asia) before. Pero parang three days ‘yung pila du’n. One day ako nag-antay tapos wala pa kami dun sa kalahati. So umalis na ako, hindi ko na tinuloy. Sobra talaga at totoo ‘yung pila,” pahayag ni Zeinab.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo