Agot Isidro Dismayado sa Resulta ng Gabi ng Parangal sa MMFF 2022!

Huwebes, Disyembre 29, 2022

/ by Lovely


Naglabas ng kaniyang saloobin at pagkadismaya ang aktres na si Agot Isidro tungkol sa naging resulta ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) “Gabi ng Parangal” na ginanap nitong Martes, December 27, sa New Frontier Theater in Araneta, Quezon City kung saan itinanghal na “Best Picture” ang “Deleter” ni Nadine Lustre.

Hinakot din ng Deleter ang karamihan ng mga major awards sa gabing iyon. Tanging Gatpuno Villegas Cultural Award lamang ang natanggap ng Family Matters na kinabibilangan ni Agot Isidro.

“Nagsama-sama ang pamilya Florencio kagabi except kay Mommy & Daddy. Umuwi na medyo disappointed na hindi napansin man lang ang iba’t ibang aspeto ng aming pelikula. Although, Salamat sa Gatpuno Villegas Cultural Award. Much appreciated," ayon sa tweet ni Agot noong  Miyerkules ng umaga, December 28.

Bagama't dismayado si Agot, malaki pa rin ang pasasalamat niya sa mga positive reviews na natatanggap niya mula sa mga netizens na nakapanood ng kanilang pelikula.

“Ang nakakapagluwag ng aming dibdib ay ang messages of support, lahat ng glowing reviews, posts na hinihimay ang istorya, mga reaksyon pagkalabas ng sinehan. Hangad namin na ang mga aral na natutunan at natuklasan uli ay inyong isasapuso.”

Sa huli inanyayahan ni Agot ang lahat na patuloy na tangkilikin ng mga manonood ang kanilang pelikula na showing sa mahigit 100 theaters sa buong bansa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo