AJ Raval Muling Nagbahagi ng Whole Body Picture! Asan Ang Nanganak?

Biyernes, Disyembre 30, 2022

/ by Lovely


Agad na napansin ng mga marites online ang bagong larawang ibinahagi ni AJ Raval sa kanyang Instagram account.

Makikita sa photo na kasama ni AJ ang kanyang mga kapatid at ang amang si Jeric Raval. Ngunit ang mas nakaagaw ng pansin ng mga netizens ay ang larawan ni AJ na nakasuot ng croptop at skinny jeans.

Hindi kasi mababanaag rito ang naging isyu ng sexy star na nanganak na umano ito dahil kitang-kita ang kaseksihan ng aktres.

Matatandaang hindi pa rin nagsasalita sina Aljur Abrenica at AJ Raval sa isyung ito subalit sunod-sunod ang pagbabahagi ni AJ ng kanyang mga whole body pictures na tila ba sinasabing hindi siya nanganak at hindi totoo ang tsismis.

Isa pa sa mga napansin ng mga marites ay hindi nila kasama si Vanessa Raval. Naging usap-usapan rin nitong nakalipas na buwan ang umano'y pagtatanggi ni Jeric na isa sa mga anak niya si Vanessa.

( Hide )
  1. Tang na! idol pala nito wagner! mga Azov, alam nyo na..

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo