Alden Richards at Bea Alonzo Inaya Ang Isa't-isa na Lumipat ng Network!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


 Sa naganap na media conference para sa pagtatapos ng Start Up PH, humarap sa media an apat na gumanap sa mga papel ng bida na sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmin Kurdi at Jeric Gonzales.

Sa nasabing conference inamin ni Alden Richards na noong nasa ABS-CBN pa lamang si Bea Alonzo ay sinabihan niya itong lumipat ng network upang magkasama sila sa trabaho.

Sinabi naman ni Bea na ganoon rin ang sinabi niya sa aktor. Tila ay naghihilaan pa sila kung sino ang lilipat.

“Sinabi ko po na sana maka-work ka, sana lumipat ka. Hindi pa po siya Kapuso that time,” pahayag ni Alden. 

Dagdag pa niya, “Nagbibiruan, oo, sabi ko lipat ka na sa amin. Ganun po, naghihilahan po kaming dalawa, but ‘yun nga…”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo