Alyssa Valdez at Deanna Wong Muling Pinagkukumpara! Sino Ang Dapat Tularan?

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Sa gitna ng isyung pang-iisnab ng Choco Mucho Flying Titans player Deanna Wong, muling binalikan ng ilang netizens ang video ni Alyssa Valdez ng Creamline Cool Smashers sa isang batang fan.

Makikita sa nasabing video na tinatawag ng bata ang player sa kanyang apelyidong 'Valdez' upang mapansin nito. Sumisigaw pa ang bata dahil nasa kalayuan naman nakatayo si Alyssa.

Agad naman itong nilingon ng player at sininyasang lumapit. Sinamahan ito ng ina, nang makalapit si Alyssa pa mismo ang humawak sa cellphone upang maayos na makuha ang kanilang larawan.

Kitang-kita naman ang labis na kasiyahan ng bata na mapagbigyan ng isang selfie sa kanyang iniidolong player.

Muling humakot ng mga papuri mula sa mga netizens ang nasabing video. Ayon sa kanila dapat tularan ng lahat ang pakikitungo ni Alyssa sa mga fans.

Marami talagang nagsasabing napakabait ni Alyssa. Dahil dito muli na namang pinagkukumpara ang dalawang player sa magkabilang kupunan na sina Alyssa at Deanna.

Makikita umanong hindi plastik ang pagpansin ni Alyssa sa kanyang mga tagahanga di katulad ni Deanna Wong.

@alyssaqueenvaldez Sino ba namang Hindi makakakilala sa kanya?🥰🥺 #fypシ #alyssavaldez_02 #humble #creamlinegoodvibesallthetime ♬ original sound - Alyssa Valdez 🤍✨

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo