Andrea Brillantes, Gaganap nang Dyesebel sa Darating na 2023!

Linggo, Disyembre 11, 2022

/ by Lovely


Sa pinakabagong episode ng Youtube vlog ni Ogie Diaz ibinahagi nitong si Andrea Brillantes ang napipisil upang gumanap bilang Dyesebel na ilalabas sa susunod na taon.

Tsika pa ni Ogie Diaz na ang Dyesebel ang ipapalit sa Darna dahil hindi naman umano aabutin ng isang taon ang Darna.

"Hindi naman aabutin ng one year ang Darna," pahayag ni Ogie Diaz sa kanyang vlog.

Dagdag pang tsika ni Ogie Diaz, na may ilalabas na umanong teaser ang ABS-CBN sa nasabing teleserye kung saan si Andrea na ang gaganap sa lead role.

Agad namang nagtanong ang mga netizens kung marunong bang lumangoy si Andrea Brillantes. Sinagot naman kaagad ito ni Ogie at sinabing malabong hindi natutong lumangoy si Andrea gayung isang diver ang ina nito.

Matatandaang, ginampanan noon ni Anne Curtis ang papel na Dyesel. Maging si Ogie Diaz ay naging parte rin ng nasabing teleserye.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo