Andrew Schimmer Ayaw Na Sa Pasko!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


Labis na sama ng loob at pagdadalamhati ang nararamdaman ngayon ni Andrew Schimmer matapos ang pagpanaw ng kanyang minamahal na si Jho Rovero.

Nitong December 22, 2022, ibinahagi ni Andrew ang video na kuha bago ang pagpanaw ni Jho, kung saan pinaplano nila ng kanyang bunsong anak ang birthday celebration nito sa araw na iyon sa hospital kung saan naka confine ang asawa.

Gusto umano nitong ipagdiwang ang kaarawan niya sa tabi ng kanyang mommy. Kaya naman, pupunta na umano sila sa ospital pagkatapos ng taping ni Andrew sa GMA kung saan kasali siya sa isang episode ng Family Feud.

Ipinahayag naman ni Andrew na hindi na magiging katulad dati ang kanyang pananaw sa tuwing magpapasko.

"Sometimes life will break you to the point of no return it will give you so many circumstances that you will really hate your self I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again," caption ni Andrew sa kanyang post.

Muling bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga taong noon paman ay sinusubaybayan na ang buhay ng mag-asawang Andrew Schimmer at Jho Rovero.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo