Andrew Schimmer Ipinagtanggol ni Cristy Fermin Laban sa Negatibong Comment!

Miyerkules, Disyembre 21, 2022

/ by Lovely


 Agad na ibinahagi ni Andrew Schimmer sa kanyang social media account ang pagpanaw ng kanyang misis na si Jho Rovero.

Matapos ideklara ang tuluyang pagpanaw nito agad na naglabas si Andrew Schimmer ng isang video kung saan ibinahagi niya sa publiko na wala na ang kanyang misis. Ipinakita din ni Andrew ang wala ng buhay na katawan ni Jho.

Bagay na inalmahan ng ilang mga netizens, ayon sa kanila bakit kailangan pang ipakita ni Andrew sa kanyang video ang wala ng buhay at nakadilat na katawan ni Jho.

 Kaya naman sa latest episode ng Cristy Ferminute nitong December 21, tila ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Andrew Schimmer at pinagsabihan ang mga bashers na intindihin na lamang ang pagdadalamhati nito.

“Maraming nagtatanong sa akin at marami pong parang hindi nila nagustuhan 'yung pagba-vlog ni Andrew na ipinakita pa ang pumanaw niyang misis na nakadilat pa ang mata.

"Ang punto ko naman, ang sagot ko, unawain na lang po natin si Andrew kasi magkakaiba naman po kasi ang ating paraan ng pamimighati pati ng pasasalamat. 'Yun po ay ginawa niya bilang pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal, tumulong at talaga pong nakiisa kay Andrew sa pag-asa na gagaling ang kanyang ka-partner.

“Hindi maintindihan ng iba nating mga kababayan, na karaniwan nga naman po kasi kapagka pumapanaw na ang isang tao, tinatakpan ng kumot, diba? 'Yun naman po talaga ang nakasanayan natin, tinatalukbungan na po ng kumot. Kaya lamang si Andrew, dahil sa kanya sigurong kagustuhan na makita, sabi naman niya e, pinakahuling sandali makita si Jho,” pahayag ni Manay Cristy Fermin.

Sa huli, ipinahayag ni Manay Cristy Fermin ang kanyang pakikiramay at pakikidalamhati sa mga naiwang anak at asawa ni Jho Rovero.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo