Ilalagak ang mga labi ni Jho Rovero sa Marilao Memorial Garden, Lias sa Marilao Bulacan.
Matatandaang, noong December 20 malungkot na ibinalita ni Andrew Schimmer sa kanyang mga followers ang tuluyang pagpanaw ni Jho Rovero.
Inamin din ni Andrew Schimmer sa isang panayam na halos hindi pa rin nagsink-in sa kanya na wala na si Jho gayung pinaplano pa niya ang kanilang church wedding.
Nabanggit din muli ni Andrew sa panayam ang nangyaring kapalpakan umano ng nutritionist dahil sa pagtaas ng sodium sa katawan ni Jho na noo’y dapat sana ay recovery na sa bahay nila. Isinugod muli nila ito sa hospital at mula roon ay marami na ang mga naging komplikasyon.
Kagaya raw ng komplikasyon sa kidneys ni Jho na nagsilbing pinakamalaking komplikasyon sa katawan nito na nagkaroon ng multiple swelling sa utak kaya na comatose muli ito.
"Magstart pa lang yung taping biglang tumawag sa akin itong nurse station yun nga ang nangyayari. Nagdesat yung asawa ko. Bumagsak ang vital signs. Nawala yung kanyang blood pressure, bumagsak yung heart rate niya, bumagsak ang oxygen saturation niya. Sa hindi naming malamang dahilan. So yun pa yung iniimbestigahan namin yung kung ano talaga ang totally nangyari. Kasi hindi nila masabi. Napa-puzzled din kami kung ano yung nangyari. Given the fact na yung kondisyon niya is very critical talaga. Although kahit ganoon naman ka-critical ang kanyang kondisyon maganda, maganda yung vital signs niya at that day. Kaya nagtataka kaming lahat. Kahit yung mga nurses doon nagtataka sila,” pagbabalik tanaw ni Andrew Schimmer.
Matapos ang libing ng kanyang asawa, balak ni Andrew Schimmer na bumalik sa St. Lukes upang tanungin ang mga nasa katabing kama ni Jho Rovero upang tanungin kung ano ang totoong nangyari sa mga panahong iyon.
Labis umano siyang naguguluhan, gayung bago niya iwan ay maayos naman ang vitals ng kanyang asawa. Iginiit din ni Andrew na wala siyang nakausap ng maayos sa hospital.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!