Andrew Schimmer Papakasalan Si Jho Rovero sa Simbahan Kahit Pa Maysakit!

Huwebes, Disyembre 15, 2022

/ by Lovely


Bagama't may sakit pa rin si Jho Rovero, handa na ito pakasalan ni Andrew Schimmer.

Hindi na umano makakapaghintay pa si Andrew Schimmer ng isang tamang panahon upang pakasalan si Jho sa simbahan.

Kinumpirma ni Andrew sa kanyang Facebook post na pinaghahandaan na niya ang nalalapit na church wedding nila ni Jho lalo na ngayong unti-unti nang nakaka-recover ang huli sa kanyang mga sakit.

“We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN. (crying, praying hands emojis) very very (church, sad face, praying hands emojis).” pahayag ni Andrew.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa nalalapit na kasal nina Andrew.

Samantala, nanatili pa ring buo ang loob ni Andrew na gagaling pa rin at manunumbalik sa dati ang lakas ng kanyang asawa na si Jho Rovero.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo