Jane De Leon Flat Daw Ang Appeal sa Publiko!

Biyernes, Disyembre 23, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng prangkang pahayag si Cristy Fermin sa Darna aktres na Jane De Leon nitong byernes December 23 sa latest episode nila ng kanilang programang Cristy Ferminute.

Ayon kay Manay Cristy Fermin, tila malayo ang loob ng publiko kay Jane De Leon.

“Bakit ganu'n, parang malayo ang relasyon ni Jane de Leon sa bituka ng publiko, ano?” pasiunang pahayag ni Cristy Fermin.

Sa pagpapatuloy ng kanilang usapan ipinahayag ni Manay Cristy Fermin na kulang sa PR si Jane De Leon.

Muli din nilang ipinagkumpara ang dalawang stars ng Darna Series na sina Janella Salvador at Jane De Leon.

"Sa mga IG post nila ni Janella na magkasama, si Janella ang makulit. Siya talagang alam mo siya lang 'yung nasa likuran na parang kung ano ang gagawin ni Janella, gagawin niya rin," pagpapahayag ni Romel Chika.

Ayon naman kay Cristy Fermin mas nagagandahan siya ngayon kay Janella matapos itong manganak. Gayung flat ang dating sa kanya ni Jane De Leon sa kabila ng pagiging fresh nito.

“Uy, alam mo, gandang-ganda ako kay Janella. Mas nagkaroon siya ng personalidad, ano? Nagkaroon ng dating nung magkaanak. Ang ganda-ganda ni Janella ngayon. Pero itong si Jane de Leon, ang dating sa akin, flat. Very flat,” chika ni Cristy Fermin.

“Maganda kung sa maganda, Diyos ko naman, ano pa bang hitsura naman ang hahanapin natin? Maganda naman talaga siya. Pero may ganda kasi Romel na basta maganda lang. Meron namang kagandahan na kinakambalan ng karisma at saka appeal,” pagpapaliwanag pa ni Cristy Fermin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo