Arjo Atayde at Maine Mendoza Nais Nang Magkaanak!

Lunes, Disyembre 5, 2022

/ by Lovely


 Magiliw na ibinahagi ng ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez sa isang panayam ang inamin ng dalawa sa kanya mismo.

Ayon kay Sylvia, umamin mismo sina Arjo at Maine sa kanya na gusto nilang magkaanak habang sila ay bata pa.

“They said they want to become parents while they’re still young so they can watch over their child better. Arjo wants his relationship with his child to be like the one he has with his own parents, parang barkada,” pahayag ni Sylvia.

Nagbigay na rin umano ng petsa si Maine Mendoza sa kanya kung kailan ito mangyayari. Subalit tinakam ni Sylvia ang lahat dahil ayon sa kanya ay hindi pa ito maaaring ipaalam sa publiko.

Nagpahayag naman ang soon to be lola na nais niyang manatili sa bahay kapag dumating na ang kanyang apo upang siya ang mag-aalaga rito.

“I think Maine has a similar barkada bond with her parents. She also recently told me, ‘Tita, at this time, magkaka apo ka na.’ She gave me a specific period, but I don’t want to reveal it yet. I am so excited. I’m at a point in my life when I already feel content just staying at home and taking care of my grandkids,” patuloy ng 51-year-old actress.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo