Binatikos ng mga netizen ngayon ang aktor at kongresistang si Arjo Atayde dahil isa pala ito sa mga author ng pinagdedebatehang “Maharlika Investment Fund Act” o ang House Bill No. 6608.
Ibinahagi ng sa isang tweet ng Impact Leadership ang listahan ng mga author ng nasabing House Bill. Makikita nga rito na kasama ang actor-politician na si Arjo Atayde.
Ang Maharlika Investment Funds ay naglalayong ma-maximize ang state assets o government revenue upang gawing “sovereign wealth fund,” sa pamamagitan ng pag-invest dito sa iba’t ibang real at financial assets.
Ang naturang bill ay suportado din ng mga kaanak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. gaya nina House Speaker Martin Romualdez (Leyte, First District), misis niyang si Rep. Yedda Marie Romualdez ng Tingog Sinirangan, at Ilocos 1st District Rep. Sandro Marcos.
Dahil sa pagkakasali ni Arjo Atayde sa mga authors ng Maharlika Investment Fund Act, naging usap-usapan ngayon si Arjo sa iba't-ibang social media platforms.
Narito ang ilang komento mula sa mga netizens,
“Sorry but its impossible for @mainedcm not to know this issue w/ Arjo Atayde. o sis are an enabler??!?!?!??? U really can’t trust nobody. U were all given a platform to fight for the right, but never vocal about it. I’m done w/ yall.”
“Hayop ka arjo atayde! Sinira mo ang aldub nation pati ba naman ang buong nation?"
“Disappointed when Maine Mendoza chose to be apolotical. Plus (red flag) itong si Arjo Atayde, an enabler of corruption at pagnanakaw sa gobyerno. Haysss maybe I was right of being an Aldub fan when I was still in college. I believe in Alden Richard’s supremacy.”
WHO ARE THE AUTHORS OF THE 'MAHARLIKA INVESTMENT FUND'?
— iMPACT Leadership (@iMPACTPH2019) December 13, 2022
Here are the authors of House Bill (HB) No. 6608 or the "Maharlika Investment Fund Act", as of December 13, 2022. (1/3)https://t.co/qSrrkUMCnO pic.twitter.com/yrUkbmws6w
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!