Nagbigay na ring ng reaksyon ang batikang mamamahayag ni Arnold Clavio hinggil sa usap-usapan ngayong maharlika funds.
Sa Instagram account ng batikang mamamahayag inilabas niya ang kanyang opinyon hinggil sa isyu.
“P203B na estate tax… P275B Maharlika Wealth Fund… hmmm P72B na lang ang kulang. Puwede na ba?” mababasa sa art card na ibinahagi ni Arnold.
Saad naman nito sa caption, "At kung hihingan natin ang bawat mambabatas ng tig-p100 MILYONG PISO bawat isa . Nasa sa 250 (member of House of Representatives) o sumatotal ay makakalikom ng p25 B …
Sakto lang.
Hindi pa magagalaw ang pension at insurance fund ng mga miyembro ng GSIS at SSS at siyang mainit na pinag-uusapan sa ngayon.
Kaya dapat bilisan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at nang magkaalaman na kung mayroon ngang pananagutan ang mga Marcoses kaugnay ng usapin ng estate tax .
Sa ilang araw ng pakikinig ko sa mga diskusyunan o kaliwat kanang panayam , natatabunan ng kredibilidad ng mga personalidad na nasasangkot ang magandang intensyon ng MWF .
Dahil ang mga pinuno ng mga lalahok na MAHARLIKA ay pawang mga presidential appointees at never na makikipag-debate sa mga eksperto .
Hindi rin maipagkakaila na ang Pilipinas ay baon sa utang , international at domestic , para isugal pa ang natirirang pondo ng mga government , sa Maharlika funds."
"Walang personalan."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!