Nananatili bilang Kapuso ang award winning broadcaast journalist na si Atom Araullo matapos muling pumirma ng kontrata sa GMA7 nitong December 17, 2022.
Naging Kapuso si Atom Araullo mula pa noong 2017 at nanalo ng maraming international awards para sa ilan sa kanyang mga documentary, kabilang ang prestihiyosong Best Asian Documentary sa 4th Asia Contents Awards sa Busan International Film Festival.
"Sa totoo lang, 'yung five years dumaan lang, e. Hindi ko nga na-feel, e, feeling ko nga bago pa lang ako sa GMA, e," pahayag ni Atom sa naganap na contract signing ceremony.
Dagdag pa niya, "In terms of stories I want to do, ang dami. Ang hirap isa-isahin dahil parang 'yung mga topics naman, depende rin sa sitwasyon, e, sa kalagayan ng bansa natin, ng mundo. Ako, gusto ko lang 'yung china-challenge 'yung sarili ko, and also to take on more complicated stories that require deeper investigation and also commitment to find out what's happening, to get to the bottom of things. That's the kind of story I like to do. Hopefully, magkaroon pa ng ganitong opportunities."
Kasalukuyang nagho-host si Atom sa award-winning documentary program na I-Witness at The Atom Araullo Specials. Siya rin ang anchor ng flagship news program ng GTV, State of the Nation, kasama si Maki Pulido.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!