Nagbigay na ng pahayag ang news anchor at journalist na si Atom Araullo matapos umani ng pambabatikos ang kanyang pagrereklamo sa transportation system ng bansa.
Hindi na umano siya nagulat na marami ang magrereact sa kanyang ibinahaging karanasan tungkol sa transportation system ng bansa.
Ayon sa latest tweet na ibinahagi ni Atom bilang sagot sa mga pambabatikos na natanggap mula sa mga netizens. Makatarungan lamang ang paghihiling niya ng maayos na transportasyon sa ating bansa.
“Una, maraming nakarelate. Matagal nang pasakit ang pag-commute sa Metro Manila. Our public transportation system is… bad. Alam ito ng sinumang sumasakay ng tren, bus, jeep, atbp. The problem is so self-evident it doesn’t require further elaboration. Marami na ring pag-aaral dito,” pagbabahagi ni Atom.
“Pero di na rin nakagugulat ang maanghang na reaksyon ng iba sa ibinahagi kong karanasan. May mga allergic ata sa anumang puna sa lagay ng bansa natin. Kakatawa nga, malinaw naman na bunga ng ilang dekada ng kapabayaan ang problemang ito. Bakit defensive? Bato-bato sa langit?” pagpapatuloy niya.
Samantala, nitong Huwebes ay naibalita na ang pagkakasundo ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Grab Philippines na mag-launch ng “Airport to Anywhere (ATA)” program na naglalayong mag-deploy ng mga Grab-accredited vehicles upang makatulong sa mga pasaherong naiistranded NAIA.
This tweet inspired a lot of reactions online. Nairaos ko na ang ilang deadlines (woot) so I'll share additional thoughts on an important topic. Ang thread na ito ay pinamagatang: "makatarungan ang panghangad ng maayos na public transportation." Lezgaw!https://t.co/uwKKpyaCSc
— Atom Araullo (@atomaraullo) December 13, 2022
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!