Atty. Vince Tanada Nagsimula na ang shooting sa pelikulang tatapat sa MoM movie ni Darryl Yap!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng direktor-abogado na si Atty. Vince Tañada na nagsisimula na silang mag-shooting sa bagong pelikulang “Project ASN” na ipantatapat sa “Martyr or Murderer” ni Direk Darryl Yap sa 2023.

Sa isang Instagram post, masayang ibinida ni Atty. Vince ang litrato ng duguang si Marlo Motel noong December 9. Pinuri din ng direktor ang naging performance ni Marlo.

“Precise and passionate acting from @marlomortelmusic …excited to see our film #ProjectASN,” aniya sa caption.

Samantala, makikita naman sa official page ng theater group ni Atty. Tanada na Philippine Stagers Foundation, ang tungkol sa nasabing pelikula na katapat umano ng Martyr o Murderer movie ni Darryl Yap.

May hashtag itong “HEROINALLOFUS”. Mahihinuha ring patungkol ito sa yumaong ama nina Kris Aquino na si Dating Senador Ninoy Aquino dahil sa yellow ribbon at kulay dilaw na letrang N.

Matatandaang ang MoM movie ni Darryl Yap ay patungkol rin kay Ninoy Aquino.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo