Bangs Garcia, Sinabing Hindi Siya Pwede Maging Housewife!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Makikita sa social media, na tila namumuhay si Valerie 'Bangs' Garcia ng masaya at marangya habang nasa ibang bansa. Si Bangs ay  kasal sa isang mapagmahal na asawa, may dalawang anak.

Kamakailan ay naging guest ang aktres sa talk show na Magandang Buhay, kung saan naitanong sa kanya kung paano siya nagkapag-adjust sa pagiging full-time mom matapos ang kanyang busy career sa showbiz.

Sa nasabing guesting, may isiniwalat si Bangs na balitang ikinagulat ng lahat. Ayon kay Bangs, na-depress siya last year.

"Na-depress ako last year. Medyo na-feel ko na 'to nung first year pa lang, 2017. Kasi kapapanganak ko lang, pero parang blues lang," pag-amin ni Bangs.

"Itong pangalawa ko, do'n ako tinamaan ng depression. Tapos nag-pandemic pa. Na-realize ko, sabi ko, 'Hindi ako puwedeng maging housewife talaga," she said, describing herself as a workaholic. "I'm so used to having a fast-paced life here," dagdag pa nito.

Sa kabutihang palad, nakahanap ng outlet si Bangs sa vlogging at nakahanap ng comfort mula sa suporta at kabaitan ng kanyang asawa at mga in-laws. Kasalukuyang mayroong mahigit 240,000 subscriber si Bangs sa kanyang channel sa YouTube.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo