BB Gandanghari Hindi Pinapasok Sa Restaurant Sa Binondo!

Miyerkules, Disyembre 14, 2022

/ by Lovely


Nitong nagdaang linggo lamang ay bumalik na sa Pilipinas sa BB Gandanghari matapos ang pitong taong pananatili nito sa Amerika. Ito'y upang dalawin ang kanyang pamilya at makapagbakasyon.

Kaagad na pinasyalan ni BB Gandanghari ang China Town sa Binondo, Manila. Isa sa mga sinadyang puntahan ni BB ay ang sikat na restaurant na The President ng Binondo.

Subalit, sa kasamaang palad ay hindi pinapasok ng restaurant sina BB. Agad namang nilinaw ni BB na hindi dahil sa discrimination o kung ano pa man na mababaw na dahilan kaya hindi sila pinapasok.

Ayon sa The President, naka-reserved ang buo nilang restaurant sa isang espesyal na event. Kaya naman nagpatuloy  na lamang sa kanyang paglilibot si BB. Labis din siyang natutuwa dahil may ilang mga fans ang nakapansin sa kanya at humirit ng selfie.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo